Babae Tinubuan ng BUHOK sa bunganga dahil sa Birth Control Pills

Isang doctor ang nagsulat ng kanyang hindi maipaliwanag na natuklasan "There is no clear explanation in this anomalous presence."

Isang 19-anyos na babae mula sa Italia ang nagpakunsulta sa isang doctor sa University of Campania, Luigi Vanvetelli. Ang babae ay na diagnosed na mayroong gingival hisutism - isang uri ng kondisyong napakabihira.Ang kanyang kondisyon at pagsusuri ay naitala ng mga eksperto sa ngipin.
Unang nagpasuri ang babae nuong 2009 ng matuklasan nyang mayroong parang pilik-matang buhok na tumubo sa pagitan ng kanyang ngipin sa harapan.
Dahil dito, sya ay na diagnosed na mayroong Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) na nagresulta sa hindi balansing sex hormone at nagdulot ng sobrang pagtubo ng buhok.
Ang babae ay binigyan ng Birth Control Pills upang maibalanse ang kangyang hormone levels at sumailalim sa oral surgery upang matanggal ang buhok na tumubo sa pagitan ng kanyang ngipin sa harapan.
Sa simula, mukha namang matagumpay ang operasyon at pag-ibum ng Birth Cintrol Pills dahil wala ng tumubong buhok sa mga sumunod na mga taon. Ngunit nitong 2015, muling tumubo ang mala pilik-matang buhok sa kanyang gilagid pati na rin sa kanyang baba at leeg.
Napag-alaman na ang babae ay tumigil sa pag-ibum ng Birth Control Pills bago tumubong muli ang mga buhok sa kanyang gilagid, baba at leeg.
Dahil dito, muli syang niresitahan ng birth cintrol pills at muling isinagawa ang oral surgery upang matanggal ang mga buhok at pinayuhang bumalik pagkalipas ng ilang taon.
Sa kanyang pagbabalik, mas marami ng buhok ang tumubo sa pagitan ng kanyang mga ngipin.Dahil dito, nagsagawa ng mas maiging pagsusuri ang doctor at kumuha ng sample sa hair tissue ng pasyente. Napag-alaman na ang gilagid na tinubuan ng kanyang buhok ay nakakapagtakang mas makapal kumpara sa normal na gilagid.
Lumabas sa pagsusuri na ang tissue ng kanyang gilagid ay kahawig ng tissue ng uterus ng isang babae. Ito ay maaring maging isang malinaw na eksplinasyon kung bakit tumubo ang buhok sa kanyang gilagid.
Sa ngayon, nanatiling misteryo ang pagtubo ng buhok sa bunganga ng babae. Tinatayang mayroon lamang 5 kaso nito sa buong mundo at 4 nito ay mga lalaki. Ito rin ang kauna-unahang kaso ng PCOS patient na mayroong oral growth.
Sa ngayon, wala pang naitatalang lunas sa kondisyong ito. At maaring isang araw gumising ang babae na mayroong mas maraming buhok sa kanyang bunganga.
Refferences:
https://allthatsinteresting.com/gingival-hirsutism